Tuesday, March 31, 2015

Critical Commentary #3 - Indigenous Filipino


Kulturang Pilipino nga ba?


Maraming nagsasabi na talaga ngang nagbago at at patuloy na nagbabago ang ating bansa. Hindi natin maipagkakaila na lahat ng pagbabago ay nakasalalay rin sa atin, sa ating mga Pilipino. Sa mga nakapaloob na pagbabago ay ang pagtanggap din natin sa kultura ng mga dayuhan maging mga mananakop. Naniniwala ako na sa kasabihang hindi natin malalaman kung hindi susbukan. Hindi na nakapagtataka ang malugod nating patangkilik sa ibang bansa dahil na rin sa mga pananakop na ating naranasan na kung minsan pa nga sila ang ating inaasahan upang umunlad ang ating sariling bayan.
Hindi nating lubusang masasabi kung tayo nga ay may sariling kultura sapagkat sa hinaba-haba ng panahon ay marami na rin ang mga dayuhang nanakop sa atin. Hindi rin natin masasabi na tayo ay may “Filipino culture” dahil ang lahat ng ito ay nagsimula lamang noong matapos tayong sakupin ng mga kastila. Tayo ay sinasabi isa sa may mga magandang kaugalian ngunit sa mga kaugalian na ito ay may nakapaloob.  Ang “utang na loob”, “pakikisama” at “hiya” ay ilan lamang sa mga sinasabing magagandang katangian ng mga Pilipino ngunit sa kabila nito ay meron din tayong sinasabing hindi magandang kaugalian katulad ng “mamaya na”, “ningas cogon”, “bahala na” at “crab mentality.
Madalas ko itanong sa aking sarili kung makapagdudulot nga ba ng magandang bagay  ang ating mga kaugalian na “utang na loob”, “pakikisama” at “hiya”. Sa akin paningin, ito ay may magandang naidududlot ngunit kung ito ay aabusuhin, iba na ang usapan. Hindi masamang tumanaw ng utang na loob ngunit dapat ito ay hindi sobra- sobra dahil minsan ang naidududlot nang sobrang pagtanaw ng utang na loob ay hindi rin maganda. Kapag ikaw ay may tinulungan, madalas sa mga Pilipino maririnig mo yung salitang  “tulungan natin para pag siya naman ang umunlad, tayo rin ay matulungan niya”. Sa paraan ito, mas lalo lang sasama ang loob natin kung hindi maibabalik sa atin an gating inaasahan. Isa pang kaso ay maraming tao ang lagi nalang umaasa sa iba maging sa kanilang pang-araw araw na buhay na kung minsan kapag ito’y tinigilan mong tulungan, ikaw pa ang lalabas na masama.  Sa Sikolohiyang Pilipino rin makikta ang konsepto ng salitang “Tayo” na madalas nating ginagagaw upang makipagsocialize sa ibang tao.


No comments:

Post a Comment