"Kayo ang boss ko", iyan lagi ang linyang ating naririnig mula sa mga nangangampanya at mga politikong nagnanais tumakbo para sa isang posisyon. May mga platapormang minsan ay hindi makareyalidad, kung hindi naman makareyalidad ay platapormang mismong bumabaliko sa ideya ng naturang politiko. Minsan nakakainis at nakakatawang isipin ang kanilang mga pagnanais dahil ung iba ay tatakbo lang naman para sa lalawigan pero ang iniisip ay pangbuong bansa na. Ang aking punto ay dapat ang ating isipin muna ang ang pangmaliitan na sakop natin bago isipin ang isang malawakang pagbabago. Dapat ay simulan muna natin sa ating sarili bago tayo lumayo dahil hindi natin tuluyang makakamtan ang pagbabago kung mismong sarili natin ay hindi natin tanggap.
Sa akin pananaw, hindi naman madalas nairerepresinta ng ating mga pulitiko ang ating mga mithiin dahil na rin sa ating pagkakaiba ng mga ideya. Maging ang mga politiko ay may mga ibang ideya na minsan ay hindi natin nais. Minsan ako ay napapaisip na hindi nama. gaanong nagrerepresinta ang pulitiko sa ating mga mamamayan dahilkaramihan dito ay ang kanila mga interes lamang kung hindi nama. sa kanilang interes eh para sa kanilang ikabubuti o oara sa kanilang kaalyados.
Ito ang madalas na nakakapagpagulo ng aking isipan.
No comments:
Post a Comment