Noong kami ay nagkaroon ng "exposure fireldtrip" sa Bangkok. Ang pangalwang araw ay nakatalaga para sa meeting ukol sa ASEAN Integration. Noong kami ay pumunta sa Mahidol University, kapansinpansin ang pagkakahawig nito sa Pamantasang Ateneo De Manila. Ang arkitektura at ang maganda nitong kapaligiran ay talagang kamanghamangha. Ito ay parang ang aking kinagisnan na UPLB kung saan ako madalas magmuni muni tuwing ako ay nasa Laguna.
Ang paksa noon ay ang nalalapit na ASEAN integration kung saan lahat ng miyembro ay kinakailangan iugma ang sistema na ayon para sa ASEAN integration. Nakakatuwang isipin na hindi lahat ng tao ay nagmamadali at basta nalang tanggap nang tanggap ukol sa programa. Ang punto ng mga sinabi ng "panelist" ay kailangan munang manggaling sa isat isa o sa ating bansa na tanggapin lahat. Kailangan muna nating paunlarin ang ating sariling kultura bago tayo umakap ng ibang kulture. Sa papamagitan nitio, maayos nating matatanggap at matututunan ang dayuhang kultura. Kung sabagay, sinabi nga pala ng akin isang professor na walang sariling kultura ang pilipinas dahil ito lang daw ay nagmula pagkatapos tayong sakupin nga mga dayuhang Kastila. Katulad nating mga pinoy, kailangan muna nating maging bihasa sa ating lenggwahe bago nating ang mga dayuhang lenggwahe dahil hindi rin magkakaroon ng progreso. Sabi nga ng iba, ang pag-unlad ng isa ay nasa kanya sarili. Magkakaroon ng pagkakaisa kung lahat ay makikisama at makikipagtulungan.Ang progresi ay hindi madaling nakakamit, ito ay nakakamit nang dahan-dahan.
Hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa madaling proseso. Minsan kailangan muna nating linangin ang ating kakayahan sa mga bagay na alam nating hindi tayo komportable upang pag nagkaroon ng mga bagong bagay na dapat nating isaisip ay maintindihan natin ito nang ayos. Ang pagkakaisa anlt pagtutulungan ng bawat mamamayan ay makakatulong upang mabuo ang identidad ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa, mas madali at mas maayos nating matatanggap ang pagbabago na maaaring mangyari palitan man ang sistema o hindi.
No comments:
Post a Comment