Hindi
man ako nakapasok noong araw na may pinanood ang aking mga kaklase para sa
isang komentaryo, ako pa rin ay nagtanong sa kanila kung ano ang pangalan ng
kanilang pinanood. Alam kong dapat ako ay maging responsable para sa aking
pagliban ng klase. Nang akin malaman, agad ko itong hinanap at pinanood.
Para itong “Beauty and the Beast” na kung saan ito ay ginawang “animated”.
Ang
aking bagay na napapansin sa ganitong klasend mga maikling panoorin ang
pagiging “transformative” na kung saan ito ay ginawa upang hindi lang matanda
kundi maging bata ay maengganyong panooring ito. Kung ito ay gagawing
makarealidad, hindi maipagkakaila na maraming aayawan ito dahil sa nakakatakot
na anyo samantalang ang iba naman ay mamimintas. Hindi rin maiiwasan ang
pagka”boring”. Sa ating mga Pilipino, ang ating pagkakakilala sa kuba ay
isang aswang na karawing isinasama sa mga bampira sa “horror house”. Ang iba pa
nating pagkakaalam sa kanila ay may mga balak at intension na masama.
Ang
pinapahiwatig lang ng “The Hunchback of Notre Dame" ay dapat hindi natin
gawing basehan ang panlabas na kaanyuan. Hindi lahat ng maganda ay may
magandang loob. Hindi rin naman lahat ng di kagandahan ay masama. Kalimitang
ating nasa isip sa mga bagay komot hind gaano kaganda ang kaanyuan ay mahina na
ang kalidad katulad ng ating pagtingin sa mga porduktong Pilipino. Isang bagay
din na aking mabibigyan diin ay ang pagkakaroon ng discriminasyon ng mayayaman
at mahihrap. Magdalas sa isang senaryong may hindi magandang kinalabasan kung
saan may mahirap at mayaman, ang mahihirap ang napagbibintangan may kasalanan o
may pakana. Ni hindi man lang nating naisip kung sila nga ba talaga o may mga
ibang hindi lang talaga halata. Dito maipapakita kung nasaan ang katurungnan na
kung madalas ay hindi nakukuha ng mga mahihirap. Dapat tanggapin nating
ang bawat tao bilang tao. Ano man ang kanilang estado sa buhay, kaanyuan,
kakayahan or paniniwala, dapat pa rin nating silang irespeto and tanggapin
dahil sa mundong ibabaw, lahat tayo dapat ay pantay-pantay.
No comments:
Post a Comment