Wednesday, April 1, 2015

Blog #13 - Divorce? Same sex marriage?



Marami tayong mga ideya na naiisip sa araw-araw nating buhay. Marami rin ideya na hindi natin alam kung tama nga ba o mali.

Noong nakaraang mahigpit na pinagdedebatihan ang "divorce" sa kongreso hindi dahil sa ito ay mahirap na  bagay ngunit may isang sangay ng ating bansa ang nagpupumilit na harangin ito. Ang isang sangay na ito ay ang simbahan na kung saan sinasabi nila na ang pagkakaroon ng divorce ay hindi ayon sa bibliya. Sinasabi nila na ang ideya ng kasal ay banal kaya sa pagkakaroon ng divorce ang kabanalan ng kasal ay mawawala dahil ang isang mag-asawa na naghiwalay na gamit ang proseso ng divorce ay maaaring magpakasal muli dahil ang kanilang naunang kasal ay magiging walang bisa. Paano magiging kabanal ang isang pagsasama na puro sakitan? Paano magkakaroon ng tahimik na buhay kung ang lahat ay magulo?

Isa pa ang same sex marriage, gawa ng divorce parehas din itong hinaharang ng simbahan dahil sa ito ay labag daw sa kasulatan sa bibliya ngunit maging ang ating santo papa ay walang tutol sa mga ito. Hindi ba dahil sa nagmamahal lamang sila? Mali ba agad pag nagpakatotoo at nagmahal ka? Mali baa ng mga gawaing wala ka naman nilalabag o naaapakan?


Sa ating lipunan hindi pa rin gaanong tanggap ang pangatlong kasarian dahil sa ating mga pikit na pag-iisip na kung saan ay nagiging hadlang na rin sa ating pag-unlad bilang isang nasyon. Maging ang hindi pagtanggap din ng divorce ay nagiging hadlang din sa ating progreso dahil wala rin namang magagawa ang mag-asawang gusti nang maghiwalay kundi magtiisan nalang.
 

No comments:

Post a Comment